Martes, Disyembre 20, 2011

Donate a load for Sendong Victims

Hindi lingid sa kaalaman natin ang pinsalang sinapit ng ilang kababayan natin sa bagyong Sendong. Hindi lang sila nawalan ng tirahan at kabuhayan kundi maraming buhay pa ng kanilang minamahal ang kinuha ng bagyo.


Sa panahong ito kailangan natin magtulungan. Wala man tayong malaking halaga para maitulong sa kanila kahit sa simpleng paraan man lang sana may magawa tayo.


Nakita ko sa isang site na pwede tayong magpadala ng tulong sa red cross sa pamamagitan ng text. Para lang tayong nag share a load.


To donate via SMS, text RED < space> AMOUNT and send to 2899 (Globe) or 4143 (Smart).


You can donate the following denominations:

Globe: 5 ,25, 100, 300, 500 or 1000
Smart: 10, 25, 50, 100, 300, 500 or 1000

Huwag tayong matakot tumulong, after mo makapag send may dadating sayo na ganitong text,tulad ng nakikita nyong picture sa baba.

Masarap sa pakiramdam na kahit sa konting halaga nakatulong ka dahil ang konting halaga kapag pinagsama sama malaking tulong na ito.

Patuloy pa rin tayo magdasal na makita ang mga taong hindi pa nakikita at sana malagpasan ng ating mga kababayan ang kanilang sinapit ngayong malapit na magtapos ang taon.

Martes, Disyembre 6, 2011

Big 21

Tuwing mag be bertdey ako lagi ako excited, yung tipong hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit ganito ako siguro dahil sa once a year lang naman dumating yung araw na to. Para sa akin eto yung araw ko, tipong walang pakealamanan basta akin to care ko sayo? oha! oha!


At yun nga ang nangyari kanina. Dito lang ako sa bahay nag celebrate ng birthday. Nagluto mom ko ng spaghetti,may puto at softdrinks then nagbukas ng regalo akala ko nga wala sila gift,pa surprise pa nila binigay.hehehe. Nakatanggap ako ng handkerchief,palagi kasi ako may dala nun everytime na aalis ako, damit at brand new cp kaya napalitan ko na si torque.


Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng bumati sa akin sa fb,nagtxt na may ilan na sinubukan bumati ng alas dose,nagtxt na di ko kilala akala ko suitor ko yun pala highschool klasmeyt ko.hahaha at tumawag. Sobrang na touch ako sa ginawa nila na touch din ako sa ginawang slideshow ng isa sa mga kaibigan ko.


Kakaloka! nag face dance ako.hahahaha

(Paki click na lang yang link sa baba)

Si conkase nag face dance


At syempre super na touch din ako nung tawagan ako ng lolo ko (bf). Promise naiyak ako after namin mag usap,hindi nya alam yun. Naging emotional na naman ako.


Ang totoo nyan, mas masaya yung birthday ko 2 years ago. Yun kasi yung time na nag birthday ako kasama sya. Nun ko lang na realized na kahit gaano kamahal o kadami regalo ang matanggap mo iba pa rin yung pakiramdam na kasama mo yung mga taong gusto mo makasama sa espesyal na araw mo.


Pero sabi ko nga masaya pa din yung araw na to kasi alam kong may mga taong nagmamahal sa akin, nandyan family ko at mga kaibigan noon at ngayon.Nagpapasalamat ako sa mga effort nila na alam kong gusto nila na maging happy ako.



Ano ba yan, ang drama ko na naman! Basta yun na yun. Maraming salamat sa inyong lahat! :)

Biyernes, Disyembre 2, 2011

Happy 2nd Anniversary

Yey! 2 years na kami ng aking pinakamamahal na lolo (bf)


Isa ito sa pinaka importanteng araw para sa akin dahil nalagpasan na naman namin yung buong isang taon. Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan na minsan magkaron kayo ng hindi pagkakaintindihan pero ang masarap sa part na yun kahit gaano kaliit, kalaki o ka grabe yung pinag awayan nyo sa bandang huli kayo pa rin magkasama. Kahit minsan masakit na, hindi ka pa rin bibitaw kasi hindi mo kaya, hindi mo kaya kasi mahal mo kasi mahal ka din nya.


Wish ko lang sana magkasama kami ngayon na mag cecelebrate nasa ibang planeta kasi sya ngayon.hahaha. Pero ok lang, balang araw magkakasama din naman kami at yun ang pinaka masayang anniversary namin.



Kahit malayo kami sa isa't isa hindi ko naman hahayaan na palipasin lang ang araw na to na wala man lang kakaibang mangyari diba?


Ilan sa mga ginawa ko ay eto...


October or November ko pa yata ginawa yan, talagang inagahan ko ang pag drawing dyan para sa araw na to. Ang totoo first time ko nakagawa ng ganyan,noon ko pa gusto makagawa ng cartoon na mukha namin kaso di ko kaya. Hanggang dyan lang ang powers ko.hahahaha. Pag naman nagpagawa sa iba ang mahal. Kaya ok na yan ;)




Kaninang umaga nag simula na ako gumawa ng personalized cake namin. :) Yey! Yung ibang naka plano sa cake na yan hindi ko nagawa kaya nag operation plan B ako. Buti naman naging maganda kahit papano.


Ang sarap sa feeling na ako na mismo ang gumawa ng cake. Nung 1st anniversary kasi namin bumili lang ako sa tabi tabi.hahaha

May ilan pa ako ginawa pero sikreto na yun,di na pwede ipakita (censored) lol. Slideshow lang naman yun ng mga picture namin from the start parang compilation lang. Then yung isa lab letter ba! ;)



Hanggang dito na lang muna. Rest rest muna. Hindi ako nakatulog kagabi,excited much ako! lol



Happy 2nd Anniversary lolo ko!
I love you!






Lunes, Nobyembre 28, 2011

Diva kaloka


Maganda ba ang boses mo?

Kung Oo, sige lang congrats e di ikaw na! Kung hindi,wag ka mag alala di ka nag iisa.


Maraming nag aakala na maganda ang boses ko sa pagkanta pero akala lang nila yun. Di ko alam kung saang lupalop nila nakuha ang ganong ideya.


Kung sa mahilig,oo mahilig ako kumanta pag mag isa or nasa banyo o kaya ka chikahan yung mga close friends ko or kantahan ang bf ko kahit ayaw nya.Pero kapag nasa harap na ng maraming tao isang malaking AYOKO.


Isa sa mga hinahangaan kong singer dito sa blog ay si Kuya Jag wish ko nga sana balang araw maka duet ko sya kaso baka masira ko ang career nya.hahahaha



Hindi ako kumakanta sa videoke pero nung minsanan ko itong sinubukan ganito nangyari sa akin..

Hinamon ako noon ng kapatid ko na lagpasan yung score nyang 75 dahil pinagtatawanan ko sya. Dahil kaming magpapamilya lang naman ang magkakasama pumili ako ng kantang ala Regine Velasquez at Rachelle Ann Go. At sa di maipaliwanag na dahilan "zero" ang score ko. Dinibdib ko ang paglagpas sa score ng kapatid ko kaya hanggang hating gabi kumanta ako pero sa kasawiang palad 50 ang pinaka mataas na nakuha ko.



Moral Lesson:

Wag pagtawanan ang score ng kumakanta sa videoke. Hangga't maaari kimkimin mo yung tawa mo at magpanggap kang humble.

Kapag kakanta,siguraduhin na hindi sira ang videoke.

Kapag kakanta sa videoke,sumigaw ka ng malakas kahit wala sa tono baka sakali mabingi ang videoke sa pagbibigay sayo ng score at bigyan ka ng tumataginting na 90.

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Count your blessings

Walang madaling bagay sa mundo. Lahat ng tao dumadaan sa pagsubok. Sabi nga kanya kanya lang yan ng panahon. Pwedeng ngayon swerte ka at pwedeng bukas malas ka.

May mga taong ang tingin natin sa kanila ay “wala ng mahihiling pa” dahil sa kalagayan nila sa buhay. Pero natanong mo na ba sila kung meron pa ba silang gustong makuha? Malay mo nagkakamali ka lang pala ng akala. Maaaring maganda ang kalagayan nila pero sabik pala sila sa pagmamahal. Meron ka din makikilala na sobrang ganda/gwapong tao at sa sobrang ganda nila tingin mo sa kanila isa ng dyosa na walang kapintasan,ang tanong nakita mo na ba sila na nakahubad?

The point is, walang perpektong tao sa mundo. Minsan kasi may mga bagay na gustong gusto nating makuha at kapag nakita natin sa iba yung bagay na yun naiinggit tayo at dun pumapasok yung “ang malas kong tao kasi wala ako nyan,wala ako nun.”

Subukan mo kaya isang araw na isipin naman kung anong meron ka. At baka magulat ka pa na maswerte ka rin pala. Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang dinaranas mo masasabi mong mas maswerte ka pa sa mga batang nasa lansangan.

Sa tingin mo ba katulad mo sya na kumakain 3 beses isang araw? Pwera pa yung merienda mo at patagong midnight snack.

Sa tingin mo ba nakakaligo sila araw araw? Ipagpalagay mo ng 5 times a week ka lang maligo dahil maginaw, e sila? Swerte na siguro ang makaligo ng maayos sa loob ng isang lingo.

Sa pagtulog mo sa malambot mong kama o kahit banig pa yan palagay mo katulad mo din sila na mahimbing ang pagkakatulog? Sila na hindi makatulog dahil nasa lansangan at pwedeng kahit anong oras may mangyari sa kanila.

Wala kang lovelife? Sila pa kaya sa palagay mo? Sayo may mga taong gustong lumapit at mahalin ka pero sila? Siguro nabibilang lang nila kung sino ang talagang nagmamahal sa kanila.

Ilan lang yan sa mga bagay na pinagkaiba nyo. Ano pakiramdam?

Bakit may mga taong naiisip na magpakamatay? Gayong mas maswerte sila kaysa sa iba. Bakit ang mga taong isang kayod,isang tuka lang ang pamumuhay ang sya pang mas matatag?

Nasa antas nga ba ng pamumuhay ang pagkukulang? O sa isang makitid na pag iisip?

Martes, Nobyembre 22, 2011

Batuta



Chico Loco: Bakit palaging itim ang kulay ng batuta ng mga security guard?


Caller: Para hindi makita ng mga kalaban pag pinalo sila.


-Basag-


Imbes na makatulog ako ng maaga kagabi, lalong nandudumilat mata ko sa kalokohan ni Chico Loco. Kakaloka sya ever! pero ganda ng boses mapapa Syet ka! parang bedsheet lang. :)



Para sa mga hindi nakakaalam,si Chico Loco ay DJ sa YES FM.

Spell SAD

Dear blog ko,


Nalolongkot na naman ako. Kasi naeesep esep ko na naman ang buhay ko ngayon. Kaya heto nakasandal na naman ako sa pader, naglalabas ng pelengs ba (feelings) habang nakikinig ng malolongkot na kanta. Emong emong talaga ako ngayon. Subra subra!

Kung sa tingin mo eneesep ko si Dodong,ay naku nagkakamali ka dyan. Dahil wala sya sa esep ko, nasa puso ko sya (with matching kilig ihi)






Hays.....

Tuwing malapit na birthday ko napapa isip ako.Siguro sadyang papansin lang at nanghihingi ng regalo. :)

Linggo, Nobyembre 20, 2011

So sweet

My first ever fondant mini cupcake. Napanood ko sa youtube yung paggawa ng flower so sinubukan ko and i'm happy na naging maganda naman kinalabasan.



Sinubukan ko din gumawa ng bear pero hindi sya naging magandang maganda but atleast nabuo ko pa din sya. :)

My controversial fondant mini cupcake.Tell me,sino sya sa palagay nyo? Sabi ng friend ko "ang kyut ng bibi". Sabi naman ng sister ko "si iglot" at sabi naman ng kuya ko "angry bird ba yan?" with question mark pa talaga meaning nagdududa sya.

Angry bird yan! napadaan lang sya sa salon at nagpaahit ng kilay,fashionista kaya sya ayaw nya na makapal kilay nya baka daw mapagkamalan syang si Boy Abunda.lol



And my first ever mini cake.hehehe



Nag aaral pa lang ako mag bake ngayon. Dahil hindi naman naituro sa amin yan kaya naisipan ko mag self study na lang. meganon?


Pinag aaralan ko pa lang yung mga lasa at naisipan ko lang na lagyan ng design para naman maganda sila pag humarap sa camera diba?


Sana next time mas maganda na yung mailagay ko dito at syempre maging masarap.Para masarap na sa mata,diretso pa sa tyan.:)

Huwebes, Nobyembre 10, 2011

Anti-Epal Bill



I'm one of the reader of yahoo news actually dun na lang talaga ako nag aabang ng balita. At eto nga nakita ko ang isa na sa pinaka magandang balita na nabasa ko. Akala ko nung una etchos lang or joke lang yung Anti Epal Bill and then nung mabasa ko na ng buo napa wow talaga ako as in WOW!

Ano ang Anti-Epal Bill?

Ito yung pagbabawal sa mga politiko ng paglalagay ng kanilang picture at pangalan sa mga proyekto ng gobyerno.


Agree ka ba dun?

Ako sobrang OO. Kung mapapansin nyo ginagawa ng photo studio ang mga lansangan kaliwa't kanan na ang mga litrato nila. Binabandera nila na sila ang nagpagawa ng daan pero ang katotohanan tayong mga mamamayan ang nagpagawa nun dahil sa mga tax so anong reason nila sa pagpapalagay ng litrato nila?

Isa pang nakakairita yung tipong babati sila o magbibigay ng tulong kailangan may picture pa nila na pagkalaki laki? Dinaig pa font ng pagbati nila sa picture at pangalan nila. Anong gusto nila palabasin dun?

Para sa akin, kung gusto talaga natin tumulong hindi na kailangan ng malaking picture at pangalan. Hindi ka man makilala ng taong tinulungan mo si God siguradong kilala nya kung sino tumulong sa taong yun. Kung sincere talaga tayo sa pagtulong yung pagpapagawa mo ng picture mo ipandagdag mo na lang sa budget pantulong.



At kung mahilig ka talaga magpa picture at hindi ka na talaga mapipigilan pa sige go magpa picture ka ng ikaw lang tapos lagay mo sa facebook mo. Dahil ang kalye hindi photo album!! Gets?

Huwebes, Oktubre 20, 2011

Oh Icing!

I'm so tired today sa paghahanap ng work pero hindi ko pa rin pinalagpas ang pag try ko sa pag gawa ng icing. Inlove ako sa mga cakes ngayon at gusto ko matutunan kung paano gumawa. First step ko muna ay ang matutunan ang pag gawa ng icing dahil wala kami oven so yung hindi muna ginagamitan ng oven ang gagawin ko.






First timer na first timer ang itsura ng nagawa ko. Pero naniniwala pa din ako na try lang ng try,someday matututunan ko din at magagawa ko ng maayos yan.Yung tungkol sa lasa naman ok naman, matamis. :) natural! Sa itsura and texture lang talaga mas pumalpak.


At kahit pagod, kailangan mag smile kasi may camera!

Say icing!!!!!!!!!


Martes, Oktubre 18, 2011

Kamao Mo, Puso Mo

Sa pagdating ng mga makabagong teknolohiya binago nito ang paraan ng ating pamumuhay. Mas pinadali nito ang lahat ng bagay. Mas pinabilis ang isip ng mga tao at sa sobrang bilis nito marami na ang hindi nagiging makatao.


Pag gising mo isang umaga, mababasa mo sa dyaryo, makikita mo sa t.v at maririnig mo sa radyo ang mga hindi makataong pagpatay.


Sa sobrang dali ng pamumuhay,ganon na lang din ba kadali umagaw ng buhay?


Sila na walang kamuwang muwang bigla mo papatayin? Kasi nagselos ka? Kasi nainis ka? Kasi ano??? Anong klaseng demonyo ang sumasapi sa mga taong tulad nila o tao pa nga bang dapat ituring.


Ang sabi nila kung gaano kalaki ang kamao natin ganon din kalaki ang puso natin. Dapat pala isama natin sa daily routine natin ang tuwing pag gising sa umaga tingnan ang ating kamao. Para sa simula ng umaga mo malaman mo na may puso ka pala na ganon kalaki na pwede mong gamitin dahil ang puso hindi lang ginagamit para ma inlove at kiligin sa crush mo. Ginagamit ito para mahalin lahat ng taong nasa paligid mo.


Sa pagiging makatao walang mayaman o mahirap,pangit o maganda,mataba o payat,mukang kabayo o mukang palaka. Maliit na bagay na magagawa mo para sa kapwa mo, malaking bagay naman yun para tumaas ang tingin nila sayo.

Lunes, Setyembre 26, 2011

Westlife fan

Dear Westlife,

Alam nyo ba na elementary pa lang ako gustong gusto ko na kayo makita. Dumating kayo dito sa Pinas nung highschool pa lang ako pero hindi ako nakapanood sa concert nyo dahil wala ako pera at hanggang ngayon ganon pa din hindi ako makakapanood sa Sept.29 dahil sa same reason. Wish ko na lang na ipalabas sa channel 2 ang inyong concert.Don't worry Shane,someday pag nagkapera na ako hahanapin ko kayo.




Shane's ex,
Matok



Papicture na lang sa picture,ipagkakait pa ba? Kaya gora na! Para mukhang nakapanood na din. o diba?????

Sabado, Setyembre 24, 2011

Pasaporte

Two weeks ago nagpunta ako sa DFA Manila para kumuha ng passport. First time ko na pupunta lagpas sa cubao na ako lang mag isa kaya nung makapunta ako doon ay isa na naman akong tao.


Ala sais ng umaga nagsimula na akong mag byahe (From Bulacan to Cubao)


Sandali lang naging byahe ko kaya alas syete pa lang nasa kamuning na ako.

Sa kamuning na ako sumakay ng LRT at over ang tao that time,kada bukas ng pinto ng LRT isa o dalawa lang nakakasakay sapilitan pa yun ah. Dahil 11:30 pa naman ang appointment ko sa DFA hindi na ako nakisiksik pa hanggang sa dumating ang MRT na maluwag. Yan ang kagandahan ng maaga, hindi mo kailangan magmadali at makipagsiksikan para lang makasakay para lang yan love.Kung mahal mo ang isang tao huwag ka magmabagal para sabihin yun,mainam na yung maaga baka kasi dumating yung time na makipagsiksikan ka kung kelan marami na nagpaparamdaman sa kanya, hindi ka na mapapansin masasaktan ka pa. Ouch diba? So anong connect nun? Wala lang,masingit lang yung love.hehehehe
Sa Taft. Ave. ako bumaba at doon naglibot at nagtanong kung saan papuntang DFA,may jeep pala na dumadaan dun.

Sa gasolinahan ako binaba ng driver kaya nag exercise pa ako papunta sa DFA dahil ang layo ng nilakad ko. May jogging effect pa sa katirikan ng araw. Madali ko nakita ang MCdo kasi ang tapat nun DFA.

9:00 am,nasa tapat na ako ng DFA at heller naman ang aga ko kaya dun muna ako umistambay ng konti sa MCdo. 9:30 pumasok na ako at naupo para hintayin yung oras ko.

2:30 ako natapos at syempre gora na naman ako sa pagtatanong kung paano ako uuwi. May manong pa nga na tumawag sa akin na "ga" aba feeling nya kami? lol Sumakay ako ng bus pa cubao sa baclaran (yata) kasi maraming mga tinda doon. At bumaba na ako sa terminal ng ES pauwi sa Bulacan.


Dahil feeling ko ang haba ng kwento ko,igsian ko na lang.


Tsaran!!! yan na ang passport ko. Pina deliver ko na lang kesa bumalik pa ako. Less gastos less pagod pa.

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Take one step at a time



"Kung ano pa yung bagay na gustong gusto natin minsan iyon pa yung matagal bago makuha."


Tayo,likas na maraming pangarap. Sabi nga nila libre lang ang mangarap kaya bakit mo pa titipirin ang pangangarap kung libre naman ito.


May mga bagay na gusto natin madalian. Tipong sobrang inip na tayo pag hindi natin nakukuha kung ano ang gusto natin. Palagi tayo nakadikit sa word na "ASA". Umaasa tayo na lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha kaagad.


Walang masama kung mangarap,walang masama kung umasa pero dapat sa lahat ng bagay bukas ang isipan natin. May mga problema na dadating at may mga pagkakataon na kailangang ikilos natin kung ano yung bagay na gusto natin mangyari.


Minsan may nagsabi sa akin " Take one step at a time, balang araw mangyayari din yung mga bagay na gusto natin."


Nung sinabi nya sa akin yun. Sabi ko sa sarili ko " Kelan pa kaya yun? Gusto ko ngayon na."

Hindi ako perpektong tao at hindi pa ganoon kadami ang experience ko para maintindihan ang lahat ng bagay. Pero tulad nga ng sabi nya darating din yung araw na yun.


Hindi ko namalayan, unti unti na pala natutupad yung mga bagay na gusto ko.Ngayon naisip ko hindi lang pala basta basta ang "take one step at a time". Kasi may reason ang lahat ng nangyayari sa atin. May mga bagay na hindi kailangan madaliin lalo na yung bagay na gustong gusto mo dahil mas ma aappreciate mo yun kung unti unti lang ito dadating sayo.

Linggo, Mayo 1, 2011

Summerific


Wooh! Summer na summer na kaya masarap magbakasyon at mag swimming. Masarap mag explore,marami akong mga lugar na gustong puntahan lalo na pag summer pero hindi ko magawa kasi walang budget. At nitong summer may ilang lugar ako na noon ko lang napuntahan at super nag enjoy ako.Heto ang ilang larawan ko..

First Destination:

DJ Paradise Resort in Malolos Bulacan
Nag overnight kaming buong pamilya sa hotel ng DJ. First time ko mag over night sa isang hotel,yes! tama ang nabasa mo at nag enjoy ako.From 1-10, ang rate ko sa kanila 7. Very approachable ang employees,nung sunduin kami ng bell boy sa baba naka smile na kagad sya that's why dagdag points yun. Madami din swimming pool sa resort at talagang mag eenjoy ka.




Second Destination:

Cool Waves Ranch & Water Park Resort in Bulakan,Bulacan
At first nung mabasa ko yung name ng resort nagandahan ako and na curious kasi "ranch". Feeling mayaman! hahaha. At nalaman din namin na dalawa ang waves.Nag night swimming naman kami dito and nag rent ng umbrella cottage. Honestly hindi ako gaanong nag enjoy dito,madumi ang pool at sandali lang nila pinapaandar ang waves.So ang rate ko sa kanila is 3.



Third Destination:

Treasure Island Resort in Subic Bay
First time ko magpunta sa beach kaya super excited ako na magpunta sa Subic. Nag over night kami sa Treasure Island.Nag enjoy din ako dito dahil nga beach at sumakay pa kami ng bangka. Pagdating lang sa employees hindi ako masyadong happy lalo na sa receptionist. I dont know kung sya ba talaga ang nakatoka dun kasi hindi sya marunong mag entertain and parang di nya kabisado yung about sa hotel nila nalilito sya. Feeling ko din namimili sila ng customer. Pag american they always greet them pero pag Pinoy wala lang.Hindi ko naman sila nilalahat,nagkataon lang siguro na yung nakita ko ay ganoon. Kaya ang rate ko sa kanila ay 5 pero pagdating sa view sa beach at ang experience ko sa pamamasyal 8.





Sana hindi lang itong tatlo ang mararating kong place this summer. Still hoping na marami pang place ang mapuntahan ko.


Note:
Lahat ng nasabi ko about sa mga pinuntahan kong lugar is from my own experience and my own opinion.Lahat ng pagkakamali ay pwedeng mabago,lahat ng pangit pwedeng gumanda at lahat ng maganda pwedeng mas lalo pang gumanda lalo na kung ito'y aalagaan. :)

Sabado, Abril 16, 2011

New Chapter

Sometimes having a new plan is not because you are a loser.It's just like you are brave enough to start all over again despite of  problems happened in your life.


"This is not the end. This is just a start of the new chapter of my life"