Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Count your blessings

Walang madaling bagay sa mundo. Lahat ng tao dumadaan sa pagsubok. Sabi nga kanya kanya lang yan ng panahon. Pwedeng ngayon swerte ka at pwedeng bukas malas ka.

May mga taong ang tingin natin sa kanila ay “wala ng mahihiling pa” dahil sa kalagayan nila sa buhay. Pero natanong mo na ba sila kung meron pa ba silang gustong makuha? Malay mo nagkakamali ka lang pala ng akala. Maaaring maganda ang kalagayan nila pero sabik pala sila sa pagmamahal. Meron ka din makikilala na sobrang ganda/gwapong tao at sa sobrang ganda nila tingin mo sa kanila isa ng dyosa na walang kapintasan,ang tanong nakita mo na ba sila na nakahubad?

The point is, walang perpektong tao sa mundo. Minsan kasi may mga bagay na gustong gusto nating makuha at kapag nakita natin sa iba yung bagay na yun naiinggit tayo at dun pumapasok yung “ang malas kong tao kasi wala ako nyan,wala ako nun.”

Subukan mo kaya isang araw na isipin naman kung anong meron ka. At baka magulat ka pa na maswerte ka rin pala. Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang dinaranas mo masasabi mong mas maswerte ka pa sa mga batang nasa lansangan.

Sa tingin mo ba katulad mo sya na kumakain 3 beses isang araw? Pwera pa yung merienda mo at patagong midnight snack.

Sa tingin mo ba nakakaligo sila araw araw? Ipagpalagay mo ng 5 times a week ka lang maligo dahil maginaw, e sila? Swerte na siguro ang makaligo ng maayos sa loob ng isang lingo.

Sa pagtulog mo sa malambot mong kama o kahit banig pa yan palagay mo katulad mo din sila na mahimbing ang pagkakatulog? Sila na hindi makatulog dahil nasa lansangan at pwedeng kahit anong oras may mangyari sa kanila.

Wala kang lovelife? Sila pa kaya sa palagay mo? Sayo may mga taong gustong lumapit at mahalin ka pero sila? Siguro nabibilang lang nila kung sino ang talagang nagmamahal sa kanila.

Ilan lang yan sa mga bagay na pinagkaiba nyo. Ano pakiramdam?

Bakit may mga taong naiisip na magpakamatay? Gayong mas maswerte sila kaysa sa iba. Bakit ang mga taong isang kayod,isang tuka lang ang pamumuhay ang sya pang mas matatag?

Nasa antas nga ba ng pamumuhay ang pagkukulang? O sa isang makitid na pag iisip?

4 (na) komento:

Nortehanon ayon kay ...

Yan ang minsang nakakalimutan nating gawin: ang magpasalamat sa kung anong meron tayo. I am glad na isa ka sa mga taong nagbibilang ng blessings.

Con ayon kay ...

Salamat sa pagbisita. :)Kailangan makita din natin kung gaano tayo kaswerte,dahil kung puro problema bibilangin natin ay naku,waley na tayo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

napakagaling ng pag-unawa mo sa paksa ng pagiging makuntinto... :)

Con ayon kay ...

salamat kikomaxXx :)