Lunes, Setyembre 26, 2011

Westlife fan

Dear Westlife,

Alam nyo ba na elementary pa lang ako gustong gusto ko na kayo makita. Dumating kayo dito sa Pinas nung highschool pa lang ako pero hindi ako nakapanood sa concert nyo dahil wala ako pera at hanggang ngayon ganon pa din hindi ako makakapanood sa Sept.29 dahil sa same reason. Wish ko na lang na ipalabas sa channel 2 ang inyong concert.Don't worry Shane,someday pag nagkapera na ako hahanapin ko kayo.




Shane's ex,
Matok



Papicture na lang sa picture,ipagkakait pa ba? Kaya gora na! Para mukhang nakapanood na din. o diba?????

Sabado, Setyembre 24, 2011

Pasaporte

Two weeks ago nagpunta ako sa DFA Manila para kumuha ng passport. First time ko na pupunta lagpas sa cubao na ako lang mag isa kaya nung makapunta ako doon ay isa na naman akong tao.


Ala sais ng umaga nagsimula na akong mag byahe (From Bulacan to Cubao)


Sandali lang naging byahe ko kaya alas syete pa lang nasa kamuning na ako.

Sa kamuning na ako sumakay ng LRT at over ang tao that time,kada bukas ng pinto ng LRT isa o dalawa lang nakakasakay sapilitan pa yun ah. Dahil 11:30 pa naman ang appointment ko sa DFA hindi na ako nakisiksik pa hanggang sa dumating ang MRT na maluwag. Yan ang kagandahan ng maaga, hindi mo kailangan magmadali at makipagsiksikan para lang makasakay para lang yan love.Kung mahal mo ang isang tao huwag ka magmabagal para sabihin yun,mainam na yung maaga baka kasi dumating yung time na makipagsiksikan ka kung kelan marami na nagpaparamdaman sa kanya, hindi ka na mapapansin masasaktan ka pa. Ouch diba? So anong connect nun? Wala lang,masingit lang yung love.hehehehe
Sa Taft. Ave. ako bumaba at doon naglibot at nagtanong kung saan papuntang DFA,may jeep pala na dumadaan dun.

Sa gasolinahan ako binaba ng driver kaya nag exercise pa ako papunta sa DFA dahil ang layo ng nilakad ko. May jogging effect pa sa katirikan ng araw. Madali ko nakita ang MCdo kasi ang tapat nun DFA.

9:00 am,nasa tapat na ako ng DFA at heller naman ang aga ko kaya dun muna ako umistambay ng konti sa MCdo. 9:30 pumasok na ako at naupo para hintayin yung oras ko.

2:30 ako natapos at syempre gora na naman ako sa pagtatanong kung paano ako uuwi. May manong pa nga na tumawag sa akin na "ga" aba feeling nya kami? lol Sumakay ako ng bus pa cubao sa baclaran (yata) kasi maraming mga tinda doon. At bumaba na ako sa terminal ng ES pauwi sa Bulacan.


Dahil feeling ko ang haba ng kwento ko,igsian ko na lang.


Tsaran!!! yan na ang passport ko. Pina deliver ko na lang kesa bumalik pa ako. Less gastos less pagod pa.

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Take one step at a time



"Kung ano pa yung bagay na gustong gusto natin minsan iyon pa yung matagal bago makuha."


Tayo,likas na maraming pangarap. Sabi nga nila libre lang ang mangarap kaya bakit mo pa titipirin ang pangangarap kung libre naman ito.


May mga bagay na gusto natin madalian. Tipong sobrang inip na tayo pag hindi natin nakukuha kung ano ang gusto natin. Palagi tayo nakadikit sa word na "ASA". Umaasa tayo na lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha kaagad.


Walang masama kung mangarap,walang masama kung umasa pero dapat sa lahat ng bagay bukas ang isipan natin. May mga problema na dadating at may mga pagkakataon na kailangang ikilos natin kung ano yung bagay na gusto natin mangyari.


Minsan may nagsabi sa akin " Take one step at a time, balang araw mangyayari din yung mga bagay na gusto natin."


Nung sinabi nya sa akin yun. Sabi ko sa sarili ko " Kelan pa kaya yun? Gusto ko ngayon na."

Hindi ako perpektong tao at hindi pa ganoon kadami ang experience ko para maintindihan ang lahat ng bagay. Pero tulad nga ng sabi nya darating din yung araw na yun.


Hindi ko namalayan, unti unti na pala natutupad yung mga bagay na gusto ko.Ngayon naisip ko hindi lang pala basta basta ang "take one step at a time". Kasi may reason ang lahat ng nangyayari sa atin. May mga bagay na hindi kailangan madaliin lalo na yung bagay na gustong gusto mo dahil mas ma aappreciate mo yun kung unti unti lang ito dadating sayo.