Huwebes, Nobyembre 10, 2011

Anti-Epal Bill



I'm one of the reader of yahoo news actually dun na lang talaga ako nag aabang ng balita. At eto nga nakita ko ang isa na sa pinaka magandang balita na nabasa ko. Akala ko nung una etchos lang or joke lang yung Anti Epal Bill and then nung mabasa ko na ng buo napa wow talaga ako as in WOW!

Ano ang Anti-Epal Bill?

Ito yung pagbabawal sa mga politiko ng paglalagay ng kanilang picture at pangalan sa mga proyekto ng gobyerno.


Agree ka ba dun?

Ako sobrang OO. Kung mapapansin nyo ginagawa ng photo studio ang mga lansangan kaliwa't kanan na ang mga litrato nila. Binabandera nila na sila ang nagpagawa ng daan pero ang katotohanan tayong mga mamamayan ang nagpagawa nun dahil sa mga tax so anong reason nila sa pagpapalagay ng litrato nila?

Isa pang nakakairita yung tipong babati sila o magbibigay ng tulong kailangan may picture pa nila na pagkalaki laki? Dinaig pa font ng pagbati nila sa picture at pangalan nila. Anong gusto nila palabasin dun?

Para sa akin, kung gusto talaga natin tumulong hindi na kailangan ng malaking picture at pangalan. Hindi ka man makilala ng taong tinulungan mo si God siguradong kilala nya kung sino tumulong sa taong yun. Kung sincere talaga tayo sa pagtulong yung pagpapagawa mo ng picture mo ipandagdag mo na lang sa budget pantulong.



At kung mahilig ka talaga magpa picture at hindi ka na talaga mapipigilan pa sige go magpa picture ka ng ikaw lang tapos lagay mo sa facebook mo. Dahil ang kalye hindi photo album!! Gets?

4 (na) komento:

bagotilyo ayon kay ...

tama lamang ito..

Masyado kasing pulitika na ang lhat ng bagay.

si miriam b ngpasa ng bill n ito?

Con ayon kay ...

Oo si Sen. Miriam nga.

Rah ayon kay ...

e paano naman yung mga politiko na mahilig magpalagay ng Lapida nila. SB serbisyong bayan soony belmonte
at HB herbision bayan herbert bautista. hindi nga sila naglalagay ng muka sa proyekto nila pero, vinavandalize naman nila yung pangalan nila sa proyekto ng gubyerno. epal parin.

Jag ayon kay ...

For me it's a good news. Hindi man siya ganun ka bigat n bill pero OK n OK siya sa akin hehehe...

Lahat ng boses sa kantang yun ay akin including the whistle register hehe...

Kelan b bday mo?