Lunes, Enero 30, 2012

"Kapag natagpuan mo na kung ano o sino ang magpapaligaya sayo huwag mo ng hayaang mawala pa ito sayo dahil hindi mo alam kung kelan ito babalik o kung babalik pa nga ba ito sayo."

Biyernes, Enero 6, 2012

Linggo, Enero 1, 2012

Goodbye 2011, Hello 2012

Hays sa wakas natapos na din ang 2011. Ang daming kakaiba at nakakabiglang pangyayari last year (super!). Ayoko na isa isahin pa ang mga di magagandang nangyari pero syempre kung may panget may maganda din naman at thankful ako dun.


Isa sa hindi ko malilimutan ang APRON Competition sa Stotsenberg Hotel Clark Field Pampanga last January 31,2011. Nandun yung excitement,kaba at saya. Cook-off challenge ang sinalihan namin, kasama ko sina Kathrine Padayao (kathok) at si Chef Jason ang chef namin na patok na patok.

Kahit maraming hirap ang inabot sa competition, sulit naman dahil nakakuha kami ng bronze medal.
Isa pa ito sa magandang nangyari sa akin last year, ang magkaroon ng mga kaibigan na tulad nila. Wala na ako masabi pa tungkol sa kanila bukod sa matatakaw sila.hahahaha
Ito ang libangan namin at pampatanggal ng stress, ang pagkain. Kahit anong hirap o puyat ang danasin namin magkakaron at magkakaron kami ng time para makalabas at kumain.Kahit puro pansit lang ang order at dagdagan mo pa ng libreng tubig solb na! :D


Isa pa sa nakahiligan ang magkulot sa sarili gamit ang mga papel kapag wala na talaga magawa.hahahaha
Love na talaga namin ang Mcdo dahil doon kami madalas tumambay bago umuwi.lol
Eto pa ang isa, mahilig mag gala after ng isang seryosong lakad. Kahit kagagaling lang namin sa isang matinding meeting nakuha pa din namin ang maglibot. Ganyan kami ka seryoso! :)
Kahit maraming nangyari na hindi maganda naging ok pa din ang summer namin ng family ko. Unforgettable summer, isang araw lang pagitan ng bawat outing.lol


Hindi ako nag enjoy, super mega duper enjoy lang!! :)

At syempre makukumpleto ba naman ang taon at post ko na to kung walang lovelife? naman!

Presenting....my one and only "lolo".. Tenen!! hahahaha

Isa pa sa magandang nangyari last year ay nakasama ko sya, buti na lang nandun sya sa mga panahong kailangan ko sya.

Eto pa, last December (pero parang last month lang yun lol) nag 2nd Anniversary kami kaya isa pa yun sa ipinagpapasalamat ko dahil nalagpasan na naman namin ang isang taon.

Sana mas maging maganda pa ang taon ko (namin). Maging mas malakas pa kami sa pagharap sa mga problemang dadating pero sana wag naman sabay sabay (mahina ang kalaban).


Hanggang dito na lang, dami pa mga picture at mas maganda ako dun.hahahaha kaso tinatamad na ako pagsama samahin. :D




Happy New Year!!
cheers!!!!