Biyernes, Disyembre 2, 2011

Happy 2nd Anniversary

Yey! 2 years na kami ng aking pinakamamahal na lolo (bf)


Isa ito sa pinaka importanteng araw para sa akin dahil nalagpasan na naman namin yung buong isang taon. Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan na minsan magkaron kayo ng hindi pagkakaintindihan pero ang masarap sa part na yun kahit gaano kaliit, kalaki o ka grabe yung pinag awayan nyo sa bandang huli kayo pa rin magkasama. Kahit minsan masakit na, hindi ka pa rin bibitaw kasi hindi mo kaya, hindi mo kaya kasi mahal mo kasi mahal ka din nya.


Wish ko lang sana magkasama kami ngayon na mag cecelebrate nasa ibang planeta kasi sya ngayon.hahaha. Pero ok lang, balang araw magkakasama din naman kami at yun ang pinaka masayang anniversary namin.



Kahit malayo kami sa isa't isa hindi ko naman hahayaan na palipasin lang ang araw na to na wala man lang kakaibang mangyari diba?


Ilan sa mga ginawa ko ay eto...


October or November ko pa yata ginawa yan, talagang inagahan ko ang pag drawing dyan para sa araw na to. Ang totoo first time ko nakagawa ng ganyan,noon ko pa gusto makagawa ng cartoon na mukha namin kaso di ko kaya. Hanggang dyan lang ang powers ko.hahahaha. Pag naman nagpagawa sa iba ang mahal. Kaya ok na yan ;)




Kaninang umaga nag simula na ako gumawa ng personalized cake namin. :) Yey! Yung ibang naka plano sa cake na yan hindi ko nagawa kaya nag operation plan B ako. Buti naman naging maganda kahit papano.


Ang sarap sa feeling na ako na mismo ang gumawa ng cake. Nung 1st anniversary kasi namin bumili lang ako sa tabi tabi.hahaha

May ilan pa ako ginawa pero sikreto na yun,di na pwede ipakita (censored) lol. Slideshow lang naman yun ng mga picture namin from the start parang compilation lang. Then yung isa lab letter ba! ;)



Hanggang dito na lang muna. Rest rest muna. Hindi ako nakatulog kagabi,excited much ako! lol



Happy 2nd Anniversary lolo ko!
I love you!






Walang komento: