Martes, Oktubre 18, 2011

Kamao Mo, Puso Mo

Sa pagdating ng mga makabagong teknolohiya binago nito ang paraan ng ating pamumuhay. Mas pinadali nito ang lahat ng bagay. Mas pinabilis ang isip ng mga tao at sa sobrang bilis nito marami na ang hindi nagiging makatao.


Pag gising mo isang umaga, mababasa mo sa dyaryo, makikita mo sa t.v at maririnig mo sa radyo ang mga hindi makataong pagpatay.


Sa sobrang dali ng pamumuhay,ganon na lang din ba kadali umagaw ng buhay?


Sila na walang kamuwang muwang bigla mo papatayin? Kasi nagselos ka? Kasi nainis ka? Kasi ano??? Anong klaseng demonyo ang sumasapi sa mga taong tulad nila o tao pa nga bang dapat ituring.


Ang sabi nila kung gaano kalaki ang kamao natin ganon din kalaki ang puso natin. Dapat pala isama natin sa daily routine natin ang tuwing pag gising sa umaga tingnan ang ating kamao. Para sa simula ng umaga mo malaman mo na may puso ka pala na ganon kalaki na pwede mong gamitin dahil ang puso hindi lang ginagamit para ma inlove at kiligin sa crush mo. Ginagamit ito para mahalin lahat ng taong nasa paligid mo.


Sa pagiging makatao walang mayaman o mahirap,pangit o maganda,mataba o payat,mukang kabayo o mukang palaka. Maliit na bagay na magagawa mo para sa kapwa mo, malaking bagay naman yun para tumaas ang tingin nila sayo.

Walang komento: