Sabado, Agosto 11, 2012

Philippines to Oman Part 1

First time ko to! First time ko na makakasakay sa eroplano kaya super excited ako na kinakabahan nung magkaron na ako ng flight papuntang Oman. Sa sobrang excitement ko, nauntol ito dahil sa naiwan ako ng eroplano, ang dami kasing tanong sa immigration at nung maging ok na ang lahat pagdating ko sa gate ko,nakaalis na pala ang aking sasakyan. At dahil sa may hinahabol akong date, nagparesched ulit ako.

Sa ikalawang balik ko,pagdating ko sa airport nakilala naman ako nung mga pinilahan ko nung unang punta ko, sinabi ko ang dahilan kung bakit nandun na naman ako kaya pinaraan na nila ako. Finally naka abot ako sa oras, kahit ihing ihi na ako hindi ko inalisan ang pwesto ko. Mainam na yung sigurado ako na makakasakay ako sa eroplano.hahaha



Picture ko sa Pinas habang hindi pa lumilipad ang eroplano. Mabuti na lang mabait ang katabi ko kaya nag prisinta sya na picturan ako. :)
Eto naman ang picture ko sa Malaysia Airport. In fairness ang ganda ganda ng airport nila, wala ako ma say. Nahilo ako sa daming ikot ikot.
Sila naman ang nakilala ko sa aking byahe. Si kuya jun nakilala ko sya  sa airport pa lang, tinulungan nya ako at sinamahan hanggang sa gate ko sa Malaysia. At yung dalawang girl naman, nakilala ko sila sa mismong gate ng Malaysia Airport. Ang saya ng feeling na may mga makikilala kang mga bagong kaibigan. :)
Finally after 1 hr. of waiting dumating na din ang Oman Air.
Heto na ako! Sobrang saya ko na nakarating din ako sa pupuntahan ko. Nung sumakay ako sa Oman Air may nakilala din ako na kababayan natin, si kuya Chris. Kilala nya yung mga stewardess sa eroplano kaya sobrang nabusog ako sa pagkain. Alagang alaga ako.hehehe I'm so happy na nakilala ko din sya dahil sya din ang naka kwentuhan ko sa mahabang byahe ko kaya di ako masyadong nainip.
Eto na ako kasama ang kuya ko. Sya at yung best friend nya ang sumundo sa akin.
At eto lang ang masasabi ko "Hello Oman. I'm glad that I'm finally here!!!"

Huwebes, Agosto 2, 2012

What's New??

It's been a long time  nung huli akong mag post dito. Medyo naging busy plus sinumpong na naman ng katamaran. Madami akong kwento at hindi ko alam kung san ko sisimulan.

Isa sa malaking nangyari sakin ngayong taon na to ay may  new place at  new work ako. First time ko na nalayo ng ganito kalayo sa amin. As in malayo talaga, hindi lang ako nangapitbahay, tumawid pa ako ng dagat para makapunta sa lugar na to.hehehehe

I'm here now in Oman, twing may magtatanong sakin kung ano ginagawa ko dito ang sinasagot ko nagtitimbang ng buhangin. Siguro'y dahil sa nung matuntong ako sa lugar na to ang una kong nakita mula sa itaas ay puro buhangin.Ganito pala talaga sa ibang bansa, kala ko joke lang yung mga nakikita ko sa picture. Ibang iba pala talaga dito. Lahat ng bagay at tao sa Pinas mamimiss mo isama mo na din ang weather natin. Kung sa Pinas init na init ka na sa panahon pag summer ano pa kaya yung dito, kahit sa gabi mainit pa din kaya mas gugustuhin mo na mag stay sa loob ng bahay.

Madaming bagay pa ako na gustong ikwento pero parang ayaw umandar ng isip ko. Inaantok pa ata.hehehe Hanggang dito na lang muna, mas maganda sana kung may picture mas madaling magkwento kaso limited lang gamit ko na internet ngayon, hindi pwede masyado mag upload at baka maubos. :D