Lunes, Nobyembre 28, 2011

Diva kaloka


Maganda ba ang boses mo?

Kung Oo, sige lang congrats e di ikaw na! Kung hindi,wag ka mag alala di ka nag iisa.


Maraming nag aakala na maganda ang boses ko sa pagkanta pero akala lang nila yun. Di ko alam kung saang lupalop nila nakuha ang ganong ideya.


Kung sa mahilig,oo mahilig ako kumanta pag mag isa or nasa banyo o kaya ka chikahan yung mga close friends ko or kantahan ang bf ko kahit ayaw nya.Pero kapag nasa harap na ng maraming tao isang malaking AYOKO.


Isa sa mga hinahangaan kong singer dito sa blog ay si Kuya Jag wish ko nga sana balang araw maka duet ko sya kaso baka masira ko ang career nya.hahahaha



Hindi ako kumakanta sa videoke pero nung minsanan ko itong sinubukan ganito nangyari sa akin..

Hinamon ako noon ng kapatid ko na lagpasan yung score nyang 75 dahil pinagtatawanan ko sya. Dahil kaming magpapamilya lang naman ang magkakasama pumili ako ng kantang ala Regine Velasquez at Rachelle Ann Go. At sa di maipaliwanag na dahilan "zero" ang score ko. Dinibdib ko ang paglagpas sa score ng kapatid ko kaya hanggang hating gabi kumanta ako pero sa kasawiang palad 50 ang pinaka mataas na nakuha ko.



Moral Lesson:

Wag pagtawanan ang score ng kumakanta sa videoke. Hangga't maaari kimkimin mo yung tawa mo at magpanggap kang humble.

Kapag kakanta,siguraduhin na hindi sira ang videoke.

Kapag kakanta sa videoke,sumigaw ka ng malakas kahit wala sa tono baka sakali mabingi ang videoke sa pagbibigay sayo ng score at bigyan ka ng tumataginting na 90.

3 komento:

LM ayon kay ...

May technique kasi sa videoke scoring eh. just fill the mic with your voice almost all the time. yun.

Rah ayon kay ...

hahaha totoo yan. ika nga, "walang basagan ng trip."

And for good reason. Marami nang namatay dahil sa videoke.


Lalo na yung song na MY WAY. hehe

Con ayon kay ...

@ LM
ganon ba.hehehe next time.


@ Rah
Buti na lang di ko kinakanta yun. Pambansang kanta na kasi ng mga lasing yun.hehehe