Sabado, Agosto 11, 2012

Philippines to Oman Part 1

First time ko to! First time ko na makakasakay sa eroplano kaya super excited ako na kinakabahan nung magkaron na ako ng flight papuntang Oman. Sa sobrang excitement ko, nauntol ito dahil sa naiwan ako ng eroplano, ang dami kasing tanong sa immigration at nung maging ok na ang lahat pagdating ko sa gate ko,nakaalis na pala ang aking sasakyan. At dahil sa may hinahabol akong date, nagparesched ulit ako.

Sa ikalawang balik ko,pagdating ko sa airport nakilala naman ako nung mga pinilahan ko nung unang punta ko, sinabi ko ang dahilan kung bakit nandun na naman ako kaya pinaraan na nila ako. Finally naka abot ako sa oras, kahit ihing ihi na ako hindi ko inalisan ang pwesto ko. Mainam na yung sigurado ako na makakasakay ako sa eroplano.hahaha



Picture ko sa Pinas habang hindi pa lumilipad ang eroplano. Mabuti na lang mabait ang katabi ko kaya nag prisinta sya na picturan ako. :)
Eto naman ang picture ko sa Malaysia Airport. In fairness ang ganda ganda ng airport nila, wala ako ma say. Nahilo ako sa daming ikot ikot.
Sila naman ang nakilala ko sa aking byahe. Si kuya jun nakilala ko sya  sa airport pa lang, tinulungan nya ako at sinamahan hanggang sa gate ko sa Malaysia. At yung dalawang girl naman, nakilala ko sila sa mismong gate ng Malaysia Airport. Ang saya ng feeling na may mga makikilala kang mga bagong kaibigan. :)
Finally after 1 hr. of waiting dumating na din ang Oman Air.
Heto na ako! Sobrang saya ko na nakarating din ako sa pupuntahan ko. Nung sumakay ako sa Oman Air may nakilala din ako na kababayan natin, si kuya Chris. Kilala nya yung mga stewardess sa eroplano kaya sobrang nabusog ako sa pagkain. Alagang alaga ako.hehehe I'm so happy na nakilala ko din sya dahil sya din ang naka kwentuhan ko sa mahabang byahe ko kaya di ako masyadong nainip.
Eto na ako kasama ang kuya ko. Sya at yung best friend nya ang sumundo sa akin.
At eto lang ang masasabi ko "Hello Oman. I'm glad that I'm finally here!!!"

Huwebes, Agosto 2, 2012

What's New??

It's been a long time  nung huli akong mag post dito. Medyo naging busy plus sinumpong na naman ng katamaran. Madami akong kwento at hindi ko alam kung san ko sisimulan.

Isa sa malaking nangyari sakin ngayong taon na to ay may  new place at  new work ako. First time ko na nalayo ng ganito kalayo sa amin. As in malayo talaga, hindi lang ako nangapitbahay, tumawid pa ako ng dagat para makapunta sa lugar na to.hehehehe

I'm here now in Oman, twing may magtatanong sakin kung ano ginagawa ko dito ang sinasagot ko nagtitimbang ng buhangin. Siguro'y dahil sa nung matuntong ako sa lugar na to ang una kong nakita mula sa itaas ay puro buhangin.Ganito pala talaga sa ibang bansa, kala ko joke lang yung mga nakikita ko sa picture. Ibang iba pala talaga dito. Lahat ng bagay at tao sa Pinas mamimiss mo isama mo na din ang weather natin. Kung sa Pinas init na init ka na sa panahon pag summer ano pa kaya yung dito, kahit sa gabi mainit pa din kaya mas gugustuhin mo na mag stay sa loob ng bahay.

Madaming bagay pa ako na gustong ikwento pero parang ayaw umandar ng isip ko. Inaantok pa ata.hehehe Hanggang dito na lang muna, mas maganda sana kung may picture mas madaling magkwento kaso limited lang gamit ko na internet ngayon, hindi pwede masyado mag upload at baka maubos. :D

Miyerkules, Marso 21, 2012

Sana.....


Sa tuwing nakakakita ako ng mag boyfriend/girlfriend na magkasama di ko maiwasang maisip ka.

Hindi ko maiwasang pangarapin na sana hawak mo ang mga kamay ko habang sabay tayong naglalakad.

Sana sa isang text ko lang nandito ka na kaagad sa tabi ko.

Sana sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko ikaw ang kasama ko.

Sana sa pagdating ng summer sabay tayong maglalakad sa tabing dagat habang hinihintay ang paglubog ng araw.

Sana sabay tayong mamamasyal at maghahanap ng iba't ibang klaseng kainan.

Sana marami tayong larawan na magkasama.

Sana kasama kita..........

Marami akong bagay na gustong gawin kasama ka.

Gusto kong sa mga panahong malungkot ka at pagod sa trabaho ako ang kasama mo.

Gusto kong sa mga panahong masaya ka ako pa rin ang kasama mo.

Gusto ko sa lahat ng mood mo ako ang taong makakaharap mo.


Miss nakita!!!!!!! :(

Lunes, Enero 30, 2012

"Kapag natagpuan mo na kung ano o sino ang magpapaligaya sayo huwag mo ng hayaang mawala pa ito sayo dahil hindi mo alam kung kelan ito babalik o kung babalik pa nga ba ito sayo."

Biyernes, Enero 6, 2012

Linggo, Enero 1, 2012

Goodbye 2011, Hello 2012

Hays sa wakas natapos na din ang 2011. Ang daming kakaiba at nakakabiglang pangyayari last year (super!). Ayoko na isa isahin pa ang mga di magagandang nangyari pero syempre kung may panget may maganda din naman at thankful ako dun.


Isa sa hindi ko malilimutan ang APRON Competition sa Stotsenberg Hotel Clark Field Pampanga last January 31,2011. Nandun yung excitement,kaba at saya. Cook-off challenge ang sinalihan namin, kasama ko sina Kathrine Padayao (kathok) at si Chef Jason ang chef namin na patok na patok.

Kahit maraming hirap ang inabot sa competition, sulit naman dahil nakakuha kami ng bronze medal.
Isa pa ito sa magandang nangyari sa akin last year, ang magkaroon ng mga kaibigan na tulad nila. Wala na ako masabi pa tungkol sa kanila bukod sa matatakaw sila.hahahaha
Ito ang libangan namin at pampatanggal ng stress, ang pagkain. Kahit anong hirap o puyat ang danasin namin magkakaron at magkakaron kami ng time para makalabas at kumain.Kahit puro pansit lang ang order at dagdagan mo pa ng libreng tubig solb na! :D


Isa pa sa nakahiligan ang magkulot sa sarili gamit ang mga papel kapag wala na talaga magawa.hahahaha
Love na talaga namin ang Mcdo dahil doon kami madalas tumambay bago umuwi.lol
Eto pa ang isa, mahilig mag gala after ng isang seryosong lakad. Kahit kagagaling lang namin sa isang matinding meeting nakuha pa din namin ang maglibot. Ganyan kami ka seryoso! :)
Kahit maraming nangyari na hindi maganda naging ok pa din ang summer namin ng family ko. Unforgettable summer, isang araw lang pagitan ng bawat outing.lol


Hindi ako nag enjoy, super mega duper enjoy lang!! :)

At syempre makukumpleto ba naman ang taon at post ko na to kung walang lovelife? naman!

Presenting....my one and only "lolo".. Tenen!! hahahaha

Isa pa sa magandang nangyari last year ay nakasama ko sya, buti na lang nandun sya sa mga panahong kailangan ko sya.

Eto pa, last December (pero parang last month lang yun lol) nag 2nd Anniversary kami kaya isa pa yun sa ipinagpapasalamat ko dahil nalagpasan na naman namin ang isang taon.

Sana mas maging maganda pa ang taon ko (namin). Maging mas malakas pa kami sa pagharap sa mga problemang dadating pero sana wag naman sabay sabay (mahina ang kalaban).


Hanggang dito na lang, dami pa mga picture at mas maganda ako dun.hahahaha kaso tinatamad na ako pagsama samahin. :D




Happy New Year!!
cheers!!!!