Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Take one step at a time



"Kung ano pa yung bagay na gustong gusto natin minsan iyon pa yung matagal bago makuha."


Tayo,likas na maraming pangarap. Sabi nga nila libre lang ang mangarap kaya bakit mo pa titipirin ang pangangarap kung libre naman ito.


May mga bagay na gusto natin madalian. Tipong sobrang inip na tayo pag hindi natin nakukuha kung ano ang gusto natin. Palagi tayo nakadikit sa word na "ASA". Umaasa tayo na lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha kaagad.


Walang masama kung mangarap,walang masama kung umasa pero dapat sa lahat ng bagay bukas ang isipan natin. May mga problema na dadating at may mga pagkakataon na kailangang ikilos natin kung ano yung bagay na gusto natin mangyari.


Minsan may nagsabi sa akin " Take one step at a time, balang araw mangyayari din yung mga bagay na gusto natin."


Nung sinabi nya sa akin yun. Sabi ko sa sarili ko " Kelan pa kaya yun? Gusto ko ngayon na."

Hindi ako perpektong tao at hindi pa ganoon kadami ang experience ko para maintindihan ang lahat ng bagay. Pero tulad nga ng sabi nya darating din yung araw na yun.


Hindi ko namalayan, unti unti na pala natutupad yung mga bagay na gusto ko.Ngayon naisip ko hindi lang pala basta basta ang "take one step at a time". Kasi may reason ang lahat ng nangyayari sa atin. May mga bagay na hindi kailangan madaliin lalo na yung bagay na gustong gusto mo dahil mas ma aappreciate mo yun kung unti unti lang ito dadating sayo.

Walang komento: