Miyerkules, Marso 21 2012

Sana.....


Sa tuwing nakakakita ako ng mag boyfriend/girlfriend na magkasama di ko maiwasang maisip ka.

Hindi ko maiwasang pangarapin na sana hawak mo ang mga kamay ko habang sabay tayong naglalakad.

Sana sa isang text ko lang nandito ka na kaagad sa tabi ko.

Sana sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko ikaw ang kasama ko.

Sana sa pagdating ng summer sabay tayong maglalakad sa tabing dagat habang hinihintay ang paglubog ng araw.

Sana sabay tayong mamamasyal at maghahanap ng iba't ibang klaseng kainan.

Sana marami tayong larawan na magkasama.

Sana kasama kita..........

Marami akong bagay na gustong gawin kasama ka.

Gusto kong sa mga panahong malungkot ka at pagod sa trabaho ako ang kasama mo.

Gusto kong sa mga panahong masaya ka ako pa rin ang kasama mo.

Gusto ko sa lahat ng mood mo ako ang taong makakaharap mo.


Miss nakita!!!!!!! :(

Lunes, Enero 30 2012

"Kapag natagpuan mo na kung ano o sino ang magpapaligaya sayo huwag mo ng hayaang mawala pa ito sayo dahil hindi mo alam kung kelan ito babalik o kung babalik pa nga ba ito sayo."

Biyernes, Enero 06 2012



Kailan ako pwedeng sumingit sa isip mo?




Linggo, Enero 01 2012

Goodbye 2011, Hello 2012

Hays sa wakas natapos na din ang 2011. Ang daming kakaiba at nakakabiglang pangyayari last year (super!). Ayoko na isa isahin pa ang mga di magagandang nangyari pero syempre kung may panget may maganda din naman at thankful ako dun.


Isa sa hindi ko malilimutan ang APRON Competition sa Stotsenberg Hotel Clark Field Pampanga last January 31,2011. Nandun yung excitement,kaba at saya. Cook-off challenge ang sinalihan namin, kasama ko sina Kathrine Padayao (kathok) at si Chef Jason ang chef namin na patok na patok.

Kahit maraming hirap ang inabot sa competition, sulit naman dahil nakakuha kami ng bronze medal.
Isa pa ito sa magandang nangyari sa akin last year, ang magkaroon ng mga kaibigan na tulad nila. Wala na ako masabi pa tungkol sa kanila bukod sa matatakaw sila.hahahaha
Ito ang libangan namin at pampatanggal ng stress, ang pagkain. Kahit anong hirap o puyat ang danasin namin magkakaron at magkakaron kami ng time para makalabas at kumain.Kahit puro pansit lang ang order at dagdagan mo pa ng libreng tubig solb na! :D


Isa pa sa nakahiligan ang magkulot sa sarili gamit ang mga papel kapag wala na talaga magawa.hahahaha
Love na talaga namin ang Mcdo dahil doon kami madalas tumambay bago umuwi.lol
Eto pa ang isa, mahilig mag gala after ng isang seryosong lakad. Kahit kagagaling lang namin sa isang matinding meeting nakuha pa din namin ang maglibot. Ganyan kami ka seryoso! :)
Kahit maraming nangyari na hindi maganda naging ok pa din ang summer namin ng family ko. Unforgettable summer, isang araw lang pagitan ng bawat outing.lol


Hindi ako nag enjoy, super mega duper enjoy lang!! :)

At syempre makukumpleto ba naman ang taon at post ko na to kung walang lovelife? naman!

Presenting....my one and only "lolo".. Tenen!! hahahaha

Isa pa sa magandang nangyari last year ay nakasama ko sya, buti na lang nandun sya sa mga panahong kailangan ko sya.

Eto pa, last December (pero parang last month lang yun lol) nag 2nd Anniversary kami kaya isa pa yun sa ipinagpapasalamat ko dahil nalagpasan na naman namin ang isang taon.

Sana mas maging maganda pa ang taon ko (namin). Maging mas malakas pa kami sa pagharap sa mga problemang dadating pero sana wag naman sabay sabay (mahina ang kalaban).


Hanggang dito na lang, dami pa mga picture at mas maganda ako dun.hahahaha kaso tinatamad na ako pagsama samahin. :D




Happy New Year!!
cheers!!!!

Martes, Disyembre 20 2011

Donate a load for Sendong Victims

Hindi lingid sa kaalaman natin ang pinsalang sinapit ng ilang kababayan natin sa bagyong Sendong. Hindi lang sila nawalan ng tirahan at kabuhayan kundi maraming buhay pa ng kanilang minamahal ang kinuha ng bagyo.


Sa panahong ito kailangan natin magtulungan. Wala man tayong malaking halaga para maitulong sa kanila kahit sa simpleng paraan man lang sana may magawa tayo.


Nakita ko sa isang site na pwede tayong magpadala ng tulong sa red cross sa pamamagitan ng text. Para lang tayong nag share a load.


To donate via SMS, text RED < space> AMOUNT and send to 2899 (Globe) or 4143 (Smart).


You can donate the following denominations:

Globe: 5 ,25, 100, 300, 500 or 1000
Smart: 10, 25, 50, 100, 300, 500 or 1000

Huwag tayong matakot tumulong, after mo makapag send may dadating sayo na ganitong text,tulad ng nakikita nyong picture sa baba.

Masarap sa pakiramdam na kahit sa konting halaga nakatulong ka dahil ang konting halaga kapag pinagsama sama malaking tulong na ito.

Patuloy pa rin tayo magdasal na makita ang mga taong hindi pa nakikita at sana malagpasan ng ating mga kababayan ang kanilang sinapit ngayong malapit na magtapos ang taon.

Martes, Disyembre 06 2011

Big 21

Tuwing mag be bertdey ako lagi ako excited, yung tipong hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit ganito ako siguro dahil sa once a year lang naman dumating yung araw na to. Para sa akin eto yung araw ko, tipong walang pakealamanan basta akin to care ko sayo? oha! oha!


At yun nga ang nangyari kanina. Dito lang ako sa bahay nag celebrate ng birthday. Nagluto mom ko ng spaghetti,may puto at softdrinks then nagbukas ng regalo akala ko nga wala sila gift,pa surprise pa nila binigay.hehehe. Nakatanggap ako ng handkerchief,palagi kasi ako may dala nun everytime na aalis ako, damit at brand new cp kaya napalitan ko na si torque.


Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng bumati sa akin sa fb,nagtxt na may ilan na sinubukan bumati ng alas dose,nagtxt na di ko kilala akala ko suitor ko yun pala highschool klasmeyt ko.hahaha at tumawag. Sobrang na touch ako sa ginawa nila na touch din ako sa ginawang slideshow ng isa sa mga kaibigan ko.


Kakaloka! nag face dance ako.hahahaha

(Paki click na lang yang link sa baba)

Si conkase nag face dance


At syempre super na touch din ako nung tawagan ako ng lolo ko (bf). Promise naiyak ako after namin mag usap,hindi nya alam yun. Naging emotional na naman ako.


Ang totoo nyan, mas masaya yung birthday ko 2 years ago. Yun kasi yung time na nag birthday ako kasama sya. Nun ko lang na realized na kahit gaano kamahal o kadami regalo ang matanggap mo iba pa rin yung pakiramdam na kasama mo yung mga taong gusto mo makasama sa espesyal na araw mo.


Pero sabi ko nga masaya pa din yung araw na to kasi alam kong may mga taong nagmamahal sa akin, nandyan family ko at mga kaibigan noon at ngayon.Nagpapasalamat ako sa mga effort nila na alam kong gusto nila na maging happy ako.



Ano ba yan, ang drama ko na naman! Basta yun na yun. Maraming salamat sa inyong lahat! :)

Biyernes, Disyembre 02 2011

Happy 2nd Anniversary

Yey! 2 years na kami ng aking pinakamamahal na lolo (bf)


Isa ito sa pinaka importanteng araw para sa akin dahil nalagpasan na naman namin yung buong isang taon. Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan na minsan magkaron kayo ng hindi pagkakaintindihan pero ang masarap sa part na yun kahit gaano kaliit, kalaki o ka grabe yung pinag awayan nyo sa bandang huli kayo pa rin magkasama. Kahit minsan masakit na, hindi ka pa rin bibitaw kasi hindi mo kaya, hindi mo kaya kasi mahal mo kasi mahal ka din nya.


Wish ko lang sana magkasama kami ngayon na mag cecelebrate nasa ibang planeta kasi sya ngayon.hahaha. Pero ok lang, balang araw magkakasama din naman kami at yun ang pinaka masayang anniversary namin.



Kahit malayo kami sa isa't isa hindi ko naman hahayaan na palipasin lang ang araw na to na wala man lang kakaibang mangyari diba?


Ilan sa mga ginawa ko ay eto...


October or November ko pa yata ginawa yan, talagang inagahan ko ang pag drawing dyan para sa araw na to. Ang totoo first time ko nakagawa ng ganyan,noon ko pa gusto makagawa ng cartoon na mukha namin kaso di ko kaya. Hanggang dyan lang ang powers ko.hahahaha. Pag naman nagpagawa sa iba ang mahal. Kaya ok na yan ;)




Kaninang umaga nag simula na ako gumawa ng personalized cake namin. :) Yey! Yung ibang naka plano sa cake na yan hindi ko nagawa kaya nag operation plan B ako. Buti naman naging maganda kahit papano.


Ang sarap sa feeling na ako na mismo ang gumawa ng cake. Nung 1st anniversary kasi namin bumili lang ako sa tabi tabi.hahaha

May ilan pa ako ginawa pero sikreto na yun,di na pwede ipakita (censored) lol. Slideshow lang naman yun ng mga picture namin from the start parang compilation lang. Then yung isa lab letter ba! ;)



Hanggang dito na lang muna. Rest rest muna. Hindi ako nakatulog kagabi,excited much ako! lol



Happy 2nd Anniversary lolo ko!
I love you!