Martes, Disyembre 6, 2011

Big 21

Tuwing mag be bertdey ako lagi ako excited, yung tipong hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit ganito ako siguro dahil sa once a year lang naman dumating yung araw na to. Para sa akin eto yung araw ko, tipong walang pakealamanan basta akin to care ko sayo? oha! oha!


At yun nga ang nangyari kanina. Dito lang ako sa bahay nag celebrate ng birthday. Nagluto mom ko ng spaghetti,may puto at softdrinks then nagbukas ng regalo akala ko nga wala sila gift,pa surprise pa nila binigay.hehehe. Nakatanggap ako ng handkerchief,palagi kasi ako may dala nun everytime na aalis ako, damit at brand new cp kaya napalitan ko na si torque.


Gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng bumati sa akin sa fb,nagtxt na may ilan na sinubukan bumati ng alas dose,nagtxt na di ko kilala akala ko suitor ko yun pala highschool klasmeyt ko.hahaha at tumawag. Sobrang na touch ako sa ginawa nila na touch din ako sa ginawang slideshow ng isa sa mga kaibigan ko.


Kakaloka! nag face dance ako.hahahaha

(Paki click na lang yang link sa baba)

Si conkase nag face dance


At syempre super na touch din ako nung tawagan ako ng lolo ko (bf). Promise naiyak ako after namin mag usap,hindi nya alam yun. Naging emotional na naman ako.


Ang totoo nyan, mas masaya yung birthday ko 2 years ago. Yun kasi yung time na nag birthday ako kasama sya. Nun ko lang na realized na kahit gaano kamahal o kadami regalo ang matanggap mo iba pa rin yung pakiramdam na kasama mo yung mga taong gusto mo makasama sa espesyal na araw mo.


Pero sabi ko nga masaya pa din yung araw na to kasi alam kong may mga taong nagmamahal sa akin, nandyan family ko at mga kaibigan noon at ngayon.Nagpapasalamat ako sa mga effort nila na alam kong gusto nila na maging happy ako.



Ano ba yan, ang drama ko na naman! Basta yun na yun. Maraming salamat sa inyong lahat! :)

3 komento:

glentot ayon kay ...

Happy birthday sa iyo!

Rah ayon kay ...

belated happy birthday :)... I agree with you. yung tao na kasama mo sa special na moment, mas precious kahit anong klaseng regalo na nabibili ng pera.

Con ayon kay ...

@ kuya glentot

Salamat!


@Rah

Salamat din! :)