Lunes, Nobyembre 28, 2011

Diva kaloka


Maganda ba ang boses mo?

Kung Oo, sige lang congrats e di ikaw na! Kung hindi,wag ka mag alala di ka nag iisa.


Maraming nag aakala na maganda ang boses ko sa pagkanta pero akala lang nila yun. Di ko alam kung saang lupalop nila nakuha ang ganong ideya.


Kung sa mahilig,oo mahilig ako kumanta pag mag isa or nasa banyo o kaya ka chikahan yung mga close friends ko or kantahan ang bf ko kahit ayaw nya.Pero kapag nasa harap na ng maraming tao isang malaking AYOKO.


Isa sa mga hinahangaan kong singer dito sa blog ay si Kuya Jag wish ko nga sana balang araw maka duet ko sya kaso baka masira ko ang career nya.hahahaha



Hindi ako kumakanta sa videoke pero nung minsanan ko itong sinubukan ganito nangyari sa akin..

Hinamon ako noon ng kapatid ko na lagpasan yung score nyang 75 dahil pinagtatawanan ko sya. Dahil kaming magpapamilya lang naman ang magkakasama pumili ako ng kantang ala Regine Velasquez at Rachelle Ann Go. At sa di maipaliwanag na dahilan "zero" ang score ko. Dinibdib ko ang paglagpas sa score ng kapatid ko kaya hanggang hating gabi kumanta ako pero sa kasawiang palad 50 ang pinaka mataas na nakuha ko.



Moral Lesson:

Wag pagtawanan ang score ng kumakanta sa videoke. Hangga't maaari kimkimin mo yung tawa mo at magpanggap kang humble.

Kapag kakanta,siguraduhin na hindi sira ang videoke.

Kapag kakanta sa videoke,sumigaw ka ng malakas kahit wala sa tono baka sakali mabingi ang videoke sa pagbibigay sayo ng score at bigyan ka ng tumataginting na 90.

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Count your blessings

Walang madaling bagay sa mundo. Lahat ng tao dumadaan sa pagsubok. Sabi nga kanya kanya lang yan ng panahon. Pwedeng ngayon swerte ka at pwedeng bukas malas ka.

May mga taong ang tingin natin sa kanila ay “wala ng mahihiling pa” dahil sa kalagayan nila sa buhay. Pero natanong mo na ba sila kung meron pa ba silang gustong makuha? Malay mo nagkakamali ka lang pala ng akala. Maaaring maganda ang kalagayan nila pero sabik pala sila sa pagmamahal. Meron ka din makikilala na sobrang ganda/gwapong tao at sa sobrang ganda nila tingin mo sa kanila isa ng dyosa na walang kapintasan,ang tanong nakita mo na ba sila na nakahubad?

The point is, walang perpektong tao sa mundo. Minsan kasi may mga bagay na gustong gusto nating makuha at kapag nakita natin sa iba yung bagay na yun naiinggit tayo at dun pumapasok yung “ang malas kong tao kasi wala ako nyan,wala ako nun.”

Subukan mo kaya isang araw na isipin naman kung anong meron ka. At baka magulat ka pa na maswerte ka rin pala. Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang dinaranas mo masasabi mong mas maswerte ka pa sa mga batang nasa lansangan.

Sa tingin mo ba katulad mo sya na kumakain 3 beses isang araw? Pwera pa yung merienda mo at patagong midnight snack.

Sa tingin mo ba nakakaligo sila araw araw? Ipagpalagay mo ng 5 times a week ka lang maligo dahil maginaw, e sila? Swerte na siguro ang makaligo ng maayos sa loob ng isang lingo.

Sa pagtulog mo sa malambot mong kama o kahit banig pa yan palagay mo katulad mo din sila na mahimbing ang pagkakatulog? Sila na hindi makatulog dahil nasa lansangan at pwedeng kahit anong oras may mangyari sa kanila.

Wala kang lovelife? Sila pa kaya sa palagay mo? Sayo may mga taong gustong lumapit at mahalin ka pero sila? Siguro nabibilang lang nila kung sino ang talagang nagmamahal sa kanila.

Ilan lang yan sa mga bagay na pinagkaiba nyo. Ano pakiramdam?

Bakit may mga taong naiisip na magpakamatay? Gayong mas maswerte sila kaysa sa iba. Bakit ang mga taong isang kayod,isang tuka lang ang pamumuhay ang sya pang mas matatag?

Nasa antas nga ba ng pamumuhay ang pagkukulang? O sa isang makitid na pag iisip?

Martes, Nobyembre 22, 2011

Batuta



Chico Loco: Bakit palaging itim ang kulay ng batuta ng mga security guard?


Caller: Para hindi makita ng mga kalaban pag pinalo sila.


-Basag-


Imbes na makatulog ako ng maaga kagabi, lalong nandudumilat mata ko sa kalokohan ni Chico Loco. Kakaloka sya ever! pero ganda ng boses mapapa Syet ka! parang bedsheet lang. :)



Para sa mga hindi nakakaalam,si Chico Loco ay DJ sa YES FM.

Spell SAD

Dear blog ko,


Nalolongkot na naman ako. Kasi naeesep esep ko na naman ang buhay ko ngayon. Kaya heto nakasandal na naman ako sa pader, naglalabas ng pelengs ba (feelings) habang nakikinig ng malolongkot na kanta. Emong emong talaga ako ngayon. Subra subra!

Kung sa tingin mo eneesep ko si Dodong,ay naku nagkakamali ka dyan. Dahil wala sya sa esep ko, nasa puso ko sya (with matching kilig ihi)






Hays.....

Tuwing malapit na birthday ko napapa isip ako.Siguro sadyang papansin lang at nanghihingi ng regalo. :)

Linggo, Nobyembre 20, 2011

So sweet

My first ever fondant mini cupcake. Napanood ko sa youtube yung paggawa ng flower so sinubukan ko and i'm happy na naging maganda naman kinalabasan.



Sinubukan ko din gumawa ng bear pero hindi sya naging magandang maganda but atleast nabuo ko pa din sya. :)

My controversial fondant mini cupcake.Tell me,sino sya sa palagay nyo? Sabi ng friend ko "ang kyut ng bibi". Sabi naman ng sister ko "si iglot" at sabi naman ng kuya ko "angry bird ba yan?" with question mark pa talaga meaning nagdududa sya.

Angry bird yan! napadaan lang sya sa salon at nagpaahit ng kilay,fashionista kaya sya ayaw nya na makapal kilay nya baka daw mapagkamalan syang si Boy Abunda.lol



And my first ever mini cake.hehehe



Nag aaral pa lang ako mag bake ngayon. Dahil hindi naman naituro sa amin yan kaya naisipan ko mag self study na lang. meganon?


Pinag aaralan ko pa lang yung mga lasa at naisipan ko lang na lagyan ng design para naman maganda sila pag humarap sa camera diba?


Sana next time mas maganda na yung mailagay ko dito at syempre maging masarap.Para masarap na sa mata,diretso pa sa tyan.:)

Huwebes, Nobyembre 10, 2011

Anti-Epal Bill



I'm one of the reader of yahoo news actually dun na lang talaga ako nag aabang ng balita. At eto nga nakita ko ang isa na sa pinaka magandang balita na nabasa ko. Akala ko nung una etchos lang or joke lang yung Anti Epal Bill and then nung mabasa ko na ng buo napa wow talaga ako as in WOW!

Ano ang Anti-Epal Bill?

Ito yung pagbabawal sa mga politiko ng paglalagay ng kanilang picture at pangalan sa mga proyekto ng gobyerno.


Agree ka ba dun?

Ako sobrang OO. Kung mapapansin nyo ginagawa ng photo studio ang mga lansangan kaliwa't kanan na ang mga litrato nila. Binabandera nila na sila ang nagpagawa ng daan pero ang katotohanan tayong mga mamamayan ang nagpagawa nun dahil sa mga tax so anong reason nila sa pagpapalagay ng litrato nila?

Isa pang nakakairita yung tipong babati sila o magbibigay ng tulong kailangan may picture pa nila na pagkalaki laki? Dinaig pa font ng pagbati nila sa picture at pangalan nila. Anong gusto nila palabasin dun?

Para sa akin, kung gusto talaga natin tumulong hindi na kailangan ng malaking picture at pangalan. Hindi ka man makilala ng taong tinulungan mo si God siguradong kilala nya kung sino tumulong sa taong yun. Kung sincere talaga tayo sa pagtulong yung pagpapagawa mo ng picture mo ipandagdag mo na lang sa budget pantulong.



At kung mahilig ka talaga magpa picture at hindi ka na talaga mapipigilan pa sige go magpa picture ka ng ikaw lang tapos lagay mo sa facebook mo. Dahil ang kalye hindi photo album!! Gets?