Sabado, Agosto 11, 2012

Philippines to Oman Part 1

First time ko to! First time ko na makakasakay sa eroplano kaya super excited ako na kinakabahan nung magkaron na ako ng flight papuntang Oman. Sa sobrang excitement ko, nauntol ito dahil sa naiwan ako ng eroplano, ang dami kasing tanong sa immigration at nung maging ok na ang lahat pagdating ko sa gate ko,nakaalis na pala ang aking sasakyan. At dahil sa may hinahabol akong date, nagparesched ulit ako.

Sa ikalawang balik ko,pagdating ko sa airport nakilala naman ako nung mga pinilahan ko nung unang punta ko, sinabi ko ang dahilan kung bakit nandun na naman ako kaya pinaraan na nila ako. Finally naka abot ako sa oras, kahit ihing ihi na ako hindi ko inalisan ang pwesto ko. Mainam na yung sigurado ako na makakasakay ako sa eroplano.hahaha



Picture ko sa Pinas habang hindi pa lumilipad ang eroplano. Mabuti na lang mabait ang katabi ko kaya nag prisinta sya na picturan ako. :)
Eto naman ang picture ko sa Malaysia Airport. In fairness ang ganda ganda ng airport nila, wala ako ma say. Nahilo ako sa daming ikot ikot.
Sila naman ang nakilala ko sa aking byahe. Si kuya jun nakilala ko sya  sa airport pa lang, tinulungan nya ako at sinamahan hanggang sa gate ko sa Malaysia. At yung dalawang girl naman, nakilala ko sila sa mismong gate ng Malaysia Airport. Ang saya ng feeling na may mga makikilala kang mga bagong kaibigan. :)
Finally after 1 hr. of waiting dumating na din ang Oman Air.
Heto na ako! Sobrang saya ko na nakarating din ako sa pupuntahan ko. Nung sumakay ako sa Oman Air may nakilala din ako na kababayan natin, si kuya Chris. Kilala nya yung mga stewardess sa eroplano kaya sobrang nabusog ako sa pagkain. Alagang alaga ako.hehehe I'm so happy na nakilala ko din sya dahil sya din ang naka kwentuhan ko sa mahabang byahe ko kaya di ako masyadong nainip.
Eto na ako kasama ang kuya ko. Sya at yung best friend nya ang sumundo sa akin.
At eto lang ang masasabi ko "Hello Oman. I'm glad that I'm finally here!!!"

2 komento:

Jag ayon kay ...

Naks! Mowdeyl! Hehe...Welcome to Oman...pero I know mamimis mo din ang Pinas hehe...

SunnyToast ayon kay ...

enjoy your vacation...gawain ko rin 2 if nasa airport ako or nagtravel best in friendship galore...ang saya kayang ng feeln pag you have a new friend..diba;)