Linggo, Setyembre 15, 2013

Meet my Opismeyt: Chame


Ito ay kwento ng aking opismeyt (ibang lahi)  na nakakapagdagdag stress sa buhay ko.

Tawagin na lang  natin syang CHAME (kamey), short for chameleon dahil mukha sya talagang chameleon! pramis!


Noon tuwing umaga kapag kasama nya yung papalitan nya para syang isang anghel na galing sa langit. Pero pagdating ng hapon dun ko napag alaman ang rason kung bakit sya ibinagsak sa lupa.  Nag iibang anyo na sya. Mahilig na syang mag utos na akala mo amo at minsan hindi pa marunong magpasalamat. Sarap nya pektusan!

Lumipas ang ilang buwan mas lumala pa ugali nya kaya naman mas lalong umiinit ang ulo ko sa kanya.Pero ang mas nakapagpainit ng ulo ko ay nung malaman ko ang sagot nya sa tanong ng Gen. Manager namin kung bakit hindi sya nagpunta nung may nagpa pizza. Ang sagot nya wala daw nag invite sa kanya, sakin binilin ng manager namin na sabihan sina Chame at ang big boss namin about sa pa pizza dahil kami ang magkakasama sa isang building. Yung lahat ng dugo ko sa katawan parang umakyat lahat sa ulo ko, idadamay pa ako sa kasinungalingan nung Chameleon na yun, buti na lang sumunod na sabi sakin ng Gen Manager namin na sinabi ng Big Boss namin ininvite ko yun, dahil kaharap sya nung sinabi ko yun. Buti na lang talaga may witness at hindi lang basta basta ang witness, big boss pa so sino ang papalag? Pumalag, paslang!

Marami pa syang nakaka bwisit na mga galaw. At ang latest ay ngayong umaga...

Habang nagbabasa ako ng news sa computer ko walang ano anong lumapit sya sa table ko na parang walang tao na basta na lang naghalungkat ng gamit at ng makita ang hinahanap (scotch tape) pinakita sakin at umalis. Hindi sya nagpaalam, basta kinuha na lang. After ng ilang minuto, tinawag ako. Alam nyo ba kung ano iniutos? Ibinigay lang naman sakin yung tape na kinuha nya, sya ang kumuha pero sakin iniutos para ibalik din sa sarili kong table. Ang sarap nyang ibuhol ng lubid at ilambitin sa kisame!

Buhat ng dumating sya sa company, laging ganito ang araw ko. Kahit ayaw mong pansinin mapapansin at mapapansin mo.

Walang komento: