Huwebes, Agosto 2, 2012

What's New??

It's been a long time  nung huli akong mag post dito. Medyo naging busy plus sinumpong na naman ng katamaran. Madami akong kwento at hindi ko alam kung san ko sisimulan.

Isa sa malaking nangyari sakin ngayong taon na to ay may  new place at  new work ako. First time ko na nalayo ng ganito kalayo sa amin. As in malayo talaga, hindi lang ako nangapitbahay, tumawid pa ako ng dagat para makapunta sa lugar na to.hehehehe

I'm here now in Oman, twing may magtatanong sakin kung ano ginagawa ko dito ang sinasagot ko nagtitimbang ng buhangin. Siguro'y dahil sa nung matuntong ako sa lugar na to ang una kong nakita mula sa itaas ay puro buhangin.Ganito pala talaga sa ibang bansa, kala ko joke lang yung mga nakikita ko sa picture. Ibang iba pala talaga dito. Lahat ng bagay at tao sa Pinas mamimiss mo isama mo na din ang weather natin. Kung sa Pinas init na init ka na sa panahon pag summer ano pa kaya yung dito, kahit sa gabi mainit pa din kaya mas gugustuhin mo na mag stay sa loob ng bahay.

Madaming bagay pa ako na gustong ikwento pero parang ayaw umandar ng isip ko. Inaantok pa ata.hehehe Hanggang dito na lang muna, mas maganda sana kung may picture mas madaling magkwento kaso limited lang gamit ko na internet ngayon, hindi pwede masyado mag upload at baka maubos. :D

2 komento:

Rah ayon kay ...

the grass is always greener than the other side of the fence ika nga. :) Enjoy mo nalang muna ang stay mo sa Oman, hindi man katulad ng pinas, im sure may oportunidad diyan na katumbas ng ginto :) Ingat.

Con ayon kay ...

Yep tama ka rah! :) Cheers!